Trending Hashtag #Noynoyparin Report of News5: The Transcript

Photo Credits: Rappler.com
Photo Credits: Rappler.com

Manila, Philippines (2/21/2015) – The following is a transcript of conversations in the report of Lourd de Veryra titled “NOYNOYPARIN | NETIZENS, NAGPAHAYAG NG SUPORTA KAY PNOY,” uploaded on 2/18/2015 on their site. We are placing it here for readers to have a better grasp of what they said.

WARNING: The participants here are talking about online media sites and what is being done in those sites, particularly Facebook and Twitter. There are distinctions in these two social networking sites. Facebook is mostly free but it earns through posts, through boosting. Boosting means you pay so that your post (mostly news and ads) can reach more people. In Twitter, however, there is NO such thing as boosting. In Twitter, it is followers you can pay for – for wider reach of your posts or for vanity. But honest people like Bro. Eli Soriano depend mostly on Members of the Church of God International (MCGI) for followers. Add atheists and those of other religion interested in his posts, and that makes his followers – all unbought.

Preacher Soriano uses Twitter to teach mostly. He also uses Twitter to gather readers to his blog, http://www.ControversyExtraordinary.com. Just this one time, he used Twitter to voice out support for President Benigno Aquino. It has caught wildfire and surprise from media and the general public.

The participants here at News5 are giving their views. There is no direct accusation, and they are trying to make sense out of #Noynoyparin. But obviously they could not believe that the first twitter, Bro. Eli Soriano could muster wide support to rally his cause. Lourde de Veyra and his companions refer only to “netizens,” not realising that it  is MCGI or Ang Dating Daan people twitting and re-tweeting. Soriano has such extensive followers in Twitter (going 70K to date), considering that the organisation he leads is international. The evangelist openly twitted that he is behind the beleaguered President whom the Catholic Bishops wanted to step down due to failed leadership they attributed to the fallen SAF44.

But Soriano disagrees: He wanted the President to continue and finish his term. He also took note of these bishops’ unwarranted intervention in the government. The #Noynoyparin started by Bro. Eli reigned as the top hashtag for more than 5 days in a row beginning February 16.

And why the support for Aquino? In Gloria Arroyo’s time – the regime before Aquino’s – Soriano was rained upon with case after case by a group that Arroyo allowed to meddle in government affairs including in the justice system of the country. Aquino did not do such: he never favoured a religious group to lord it over in the courts. Soriano was then able to do propagation efforts unhampered.

Now, about suggestions of Malacanang being spin doctor to help Aquino, that is up to these people. A spin doctor is “a person (as a political aide) responsible for ensuring that others interpret an event from a particular point of view.” Sour grapes can be found just every where, and there must be a spin doctor they can point to. – Jane Abao

START

Lourde De Veyra: Matapos na batikusin, bumabaha na ngayon ng suporta si Pangulong Noynoy Aquino. Nag-trending pa nga ang hashtag na #Noynoyparin. Unang nag-tweet ang religious leader na si Bro. Eli Soriano. Para sa kanya di tama na pababain sa pwesto si PNoy dahil dito sa usapin sa Maguindanao. Hindi naman daw nito ginusto ang nangyari. Sang-ayon naman sa kanya ang ibang netizens. Tanong pa nila, eh, makukuha ba natin ang katarungan at sagot kung bababa sa pwesto ang pangulo?

Ikinatuwa naman ng palasyo ang suportang natanggap ng Pangulo. Sa kabila niyan, isang kaalyado ni PNoy ang nagsabi, humina na ang kakayanan nitong mag-endorso ng susunod na presidente sa 2016. Pero, naniniwala si Speaker Sonny Belmonte na makakabawi pa rin ang Pangulo.

(Video Clips)

Rep. Giorgidi Aggabao: Our perception is that whoever is chosen by the president, siguro, we really have a very, very distinct advantage – whoever is supported by the president. But with this, the public perception is… Let us somehow deal [with it] a bit.

Rep. Sonny Belmonte: Let’s face it. As a politician, nakikita ko naman na up and down, up and down ang popularity ng mga tao depending on the issue of the day. Pero, wala naman akong duda na makakarecover din sya.

Lourde de Veyra: Ang tanong, repleksiyon ba ng nag-trend…. nagtrending? ng hashtag ang suporta ng mga Pinoy sa Pangulo?

Grace Lee: Nabasa ko nga rin yung mga naglabasang mga article …

Lourd de Veyra: Noynoy ka rin ba, Grace?

Grace Lee: I mean, ni-retweet ko ba? Naku, mahirap na sagutin yan. Kung ano naman ang sagot ko diyan, yes or no, alam mo ng lalabas sa mga di kanais-nais na mga websites sa alam mo na… pero sa akin, kahapon, sa social media, biglang naglabasan itong mga articles tungkol sa kung bakit gusto pa nila si Presidente. Bakit naniniwala pa sila sa kanila, at kung ano ang meron tayo  ngayon ay dahil sa kanya. At kung ano ang mawawala sa atin kung mawawala siya. So there are articles nga, trending also on Facebook yesterday and I read some of them. But para sa akin, ha, it seems a little bit too plaid. Ibig sabihin, parang… hindi.. halatang hindi… sincere. Mukhang…

Martin “Mart” Andanar:  May spin-doctor sa likod.

Grace Lee: Mukhang, it is a job that they were tasked to do. It didn’t touch the heart.

Martin “Mart” Andanar: It was too clean!

Grace Lee: Oo. Kasi talagang naka bullet points eh, nakita nyo ba? Naka bullet yung mga ginawa ni Pangulo. Tapos yung pinaka cover photo pa ng mga articles na yun, kung naalala nyo na binabatikos si Presidente na di siya gaanong nagtatrabaho katulad ni PGMA, at naglabas ang Malacanang na parang nagtatrabaho siya? O, yun yung litrato. So, tapos it didn’t give the right message. The picture and the way the article is written. So, ako, di ko in-expect na magti-trend ang #Noynoyparin just because of the articles.

Lourde de Veyra: They manufactured the trend. They can actually, artificially, manufacture the trend.

Grace Lee: Aha… lahat ng trending tungkol sa TV5 alam ko, genuine yun.

Martin “Mart” Andanar: Di naman chismis yung pwede kang magpa-trend. Totoo yan. There are people paid to do that. There are really people paid to do that. Add more trends or add more likes to your page… ganun.

Lourde de Veyra: Baka di nyo lang alam, mga tol, yung mga nagfa-Facebook diyan. Makikita nyo, may like, comment, share, may makikita ka rin dung “boost”. Yung “boost” na yun, sa halagang 3,000, may 20,000 o 30,000 na tao na may makakabasa nitong post mo, magbabayad ka ng credit card. May mga antas yan. Gusto mo ng ganito, pwede mong paabutin ng … sa isang milyong piso, ganito karaming taong makakabasa.

Martin “Mart” Andanar: Kaya nga sinasabi nila, Lourde, di ba, na yung Facebook, sa Twitter.. sa Twitter, you can do that. Also, you can place an ad on Twitter, eh yung kanilang business model, eh naging business model na rin ng telebisyon. Kung gusto mong maglabas ng produkto dun ng paulit-ulit, eh, you have to pay, kasi, ganun din sa Facebook. Magbabayad ka. Para gusto mong dumami yung manonood sa iyo.

Grace Lee: Parang ano nga siya eh… Recently, dahil sa isang negosyo, nag-post ako ng nag-post. Ang mahal ha! 20$ parang per boost.

Lourde de Veyra: It’s just a bucket for you.

Grace Lee: Grabe ka naman. Isipin mo kung gusto mong 1 week na tuluy-tuloy na ibo-boost niya everyday, grabe din yun ha! Umaabot ng more than 5,000 pesos.

Lourde de Veyra: Eh, billionaryo naman si Mark Zuckerberg. Teka muna, paano tayo napunta dito!

Grace Lee: May nagbo-boost nga daw ng hashtag….

Lourde de Veyra: Pinag-usapan talaga itong … siguro inisip nila or they contemplated another alternative. That dark alternative. Which is the words… yung kay Binay. Siguro weigh nila, ang daming kasong ibinabato kay Binay. Sino ba ang pwedeng pumalit dito?

Grace Lee: Di ba agad-agad na nag-komento, na walang power itong si Pinoy na mag endorse ng candidate for 2016, kaagad-agad? Sinabi agad ng kabilang kampo.

Martin “Mart” Andanar: Parang yung diskusyon ngayon, ng mga gustong pabagsakin ang gobyerno, iniisip nila ang bagong sistema etc, sino ba ang papalit? Binay? Ano ba ang gagawin ko kung di si Binay? Sino? Meron silang mga Transformation Council.. kung anu-ano…

Lourde de Veyra: Nakakatawa lang kasi ano, Mart, dahil sa social media, napaka instant ng gauging ng emotion, yung sa kainitan ng 44 issue, di ba, ang dali? Iharap mo yung celfone mo, may internet connection ka… bam! Bam! Bam! Ang celfone mo ang nagtatranslate. Di ka na nagkakaroon ng moment of reflection. Inis ka eh, so may mga hirit ka na ganun. Until in hindsight o humihina-hinahon na, nagkakaroon ka ng perspektiba sa mga issues. Siguro, napagisip-isip ng lahat, ang ayaw ko lang sa mga nag-isip nito…

Martin “Mart” Andanar: Sa Noynoyparin…

Lourde de Veyra: Itong Noynoyparin, isip-aso. Siguro mga bata ang nag-isip nito ano? Kasi kung mga 40 and above ka, maaalala mo yung Marcos pa rin. ]

Martin “Mart” Andanar: Parang ikaw!

Lourde de Veyra: Bata naman ako ng konti… mga 9 years old. Noon, “Marcos pa rin”  smacks of desperation. Yung mga 1986 na holding on to the last power. Yung illegitimately, sinasabi nila.

Martin “Mart” Andanar: Yung kay Cory naman, sobra na, tama na… yung slogan nila.

END.

Please refer to this video.

http://n5e.interaksyon.com/videos/7B88051F5E714C1/noynoyparin-netizens-nagpahayag-ng-suporta-kay-pnoy

Advertisements